Dear Kuya, kamusta ka na d'yan? Ano'ng balita, malamig ba d'yan? Dito mainit, ngunit kung bumagyo Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito Matagal na rin mula nang ika'y Magpasiyang subukan ang suwerte At abutin ang 'yong mga pangarap Sa ibang bansa, kung saan ikaw ay laging mag-isa Kami tuloy dito, nag-aalala Nasa'n ka man ngayon Ano mang oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin Oo nga pala, kung nasa 'yo pa ang Checkered na polo ko, sa 'yo na 'yan Hanap ka na rin ng maraming mapapaglibangan Dahil balita ko, mahal daw ang sine d'yan Dambuhala daw, mga pinapakain d'yan Tataba ka, malamang Miss mo bang mag-Tagalog? Kuya, 'pag may kumausap sa 'yo, galingan mong mag-Ingles Galingan mo, kuya Nasa'n ka man ngayon Ano mang oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Nasa'n ka man ngayon Ano mang oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin Dear Kuya, hinahanap ka ni Mama at Daddy, sulat ka parati Miss ka namin, pati ang kapit-bahay, nagtatanong Sa'n ka raw nagpunta? Sa'n ka raw nagpunta? Nasa'n ka na, Kuya? Nasa'n ka man ngayon Ano mang oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Nasa'n ka man ngayon Ano mang oras na ika'y may kailangan Tawag ka lang sa amin At parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin Parang nandito ka na rin