Kishore Kumar Hits

Johnoy Danao - Bagong Pag-Ibig şarkı sözleri

Sanatçı: Johnoy Danao

albüm: Troubadour Tales Chapter 1


Balutin natin ang isa't isa
Sa nadaramang higit sa 'ting pangamba
Tama ba itong ating ginagawa?
Paano tayo bukas? Bahala na, ah-ha-ah

Pagala-gala ang ating mga kamay (pagala-gala)
Nang magkita, 'di na natin mapagwalay
Sunugin natin ang mga agam-agam
Ng mga hagkan sa magdamag
Ng bago, bagong pag-ibig
'Di pa sigurado ngunit ayokong huminto
Bago, bagong pag-ibig
Sana 'di magbago, ah, basta masaya tayo
Sa ilalim ng mga tala at buwan
Lulan tayo ng mga kumot at unan
Sa tiyempo ng hininga nating dalawa
Sabay tayong liligaya
Sa bago, bagong pag-ibig
'Di pa sigurado ngunit ayokong huminto
Bago, bagong pag-ibig
Sana 'di magbago 'pagkat ayokong mawala
Ha-ah, ah-ah-ah-ah
Doo-doo-doo-doo-doo, doo-doo-doo-doo-doo

Bago, bagong pag-ibig
Bago, bagong pag-ibig (araw-araw)
Bago, bagong pag-ibig
'Di pa sigurado ngunit ayokong huminto, oh
Bago, bagong pag-ibig
Sana 'di magbago, araw-araw nagkikita
Bago, bagong pag-ibig
'Di pa sigurado ngunit ayokong huminto, oh
Bago, bagong pag-ibig
Sana 'di magbago, tatagal ba kaya ito?
Bago, bagong pag-ibig
'Di pa sigurado ngunit ayokong huminto, oh

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar