'Sing liwanag ng umaga Noong huli kitang nakita Tayo ba ay nagkasalisi O ikaw ba ay nagkukubli O, Bulan Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan Ikaw ba ay nagtatampo Tuwing panganod ay nagtatagpo Bukas ng gabi, lalabas muli Bakasakaling tanglaw mo'y dadampi O, Bulan Ika'y inaawitan Nagtatapang-tapangan dahil ikay' wala Mayroon bang patutunguhan ang pagtingala O, Bulan Matagal-tagal ka nag hindi nasisilayan Nagtatapang-tapangan sa kabila ng pangamba Mayroon bang hantungan sa pag-iisa O, Bulan Ako ba'y iyong iniwan? Gabi-gabing sa langit ay nakatingala Nag-aabang ang awit didinig ay wala Dilim ay tumatangis Dinaramdam ay labis Antok nilalabanan Hinihintay ay nasaan? Bulan Ngayong andiyan ka na Huwag nang lumisan pa Bulan