Kishore Kumar Hits

Bandang Lapis - Pagsisisi şarkı sözleri

Sanatçı: Bandang Lapis

albüm: Pagsisisi


Patawarin mo ako
Sa lahat ng aking kasalanan
Pinagsisihan ko ang lahat
Sa pagkakamali ko sa 'yong nagawa

Hinatak na ng hangin
Nilamon na ng lupa
Ang ating pagmamahalan

'Di ko akalain
Na magkakaroon ng lamat
Matagal nating pagsasama

'Di ko sinasadya
Maakit sa diwatang
Nababalot ng hiwaga
Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito
'Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
'Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa 'yong
Kasalanan
Kasalanan
Matagal kong pinag-isipan
Kung tama ba ang landas
Na aking tinatahak
'Di ko inaakalang
Naliligaw na pala
Ako ng daanan
Imbis na lumalapit
Napapalayo sa 'yo
Ang aking sarili
Dahil naging marupok na parang kahoy
Ang puso kong ito
'Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
'Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa 'yong
Kasalanan
Bakit nangyari sa 'tin to?
Nawala ang lahat
'Di na muling pagtatagpuin
Ang mga pusong nilason ng tadhana
'Di na kita mababalikan
Dahil sa lahat ng nagawa ko sa 'yong
Kasalanan
Kasalanan

Kasalanan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar