Kishore Kumar Hits

Bandang Lapis - Kung San Ka Masaya - ROCKOUSTIC LIVE 1/5 şarkı sözleri

Sanatçı: Bandang Lapis

albüm: Kung San Ka Masaya - ROCKOUSTIC LIVE 1/5


Nawala ang lahat nu'ng ika'y biglang lumisan
Nu'ng pinasok mo ang tahanang puno ng laro
Bakit ka nagmahal nang hindi naman dapat?
'Di mo ba naiisip na tayo pa ring dalawa?
Pero okay lang naman
Kung sa'n ka masaya
Nandito pa rin naman ako
Kahit nasasaktan
Sa TV na lang pala kita
Makikitang masaya sa piling ng iba
Titiisin ko lahat ng sakit
Basta para sa 'yo, kung sa'n ka masaya
Bakit mo 'pinagpalit ang matagal nating pagsasama?
Sa ilang araw mo lang naman nakilala
Naniwala ako sa lahat ng iyong sinabi
Na ako lang 'yong mamahalin mo't wala nang iba
Pero okay lang naman
Kung sa'n ka masaya
Nandito pa rin naman ako
Kahit nasasaktan
Sa TV na lang pala kita
Makikitang masaya sa piling ng iba
Titiisin ko lahat ng sakit
Basta para sa 'yo, kung sa'n ka masaya
Whoa, whoa
Wala na akong ibang hiling kung 'di ang lumigaya ka
At matupad mo ang iyong mga pangarap sa buhay
Lagi mong tatandaan ang sinambit ko sa 'yo
Na 'pag pumasok ka diyan ay paglabas mo'y
Mahal pa rin kita
Sa TV na lang pala kita
Makikitang masaya sa piling ng iba (mahal pa rin kita)
Titiisin ko lahat ng sakit (mahal pa rin kita)
Basta para sa 'yo, kung sa'n ka masaya (mahal pa rin kita)
Susuportahan kita kung sa kanya ka masaya

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar