Ano naman kung naiba? Ang pamantayan ba nila ang susundin natin, 'di ba? 'Wag mong hayaan na sila sa buhay mo na magpasiya Do'n ka kung sa'n liligaya Iba-iba man ating kulay, iba man gusto sa buhay Kung saan tunay ka na masaya, hayaan mo sila Huwag kang matakot sa sasabihin ng iba Sa mundo na mapanghusga, lahat ay pinupuna Palayain lahat ng nadaramang bigat Sarili ay unahin na, piliin na sumaya Oh, oh-ooh May mga tao talaga sa 'yo hihila pababa Wala tayong magagawa, sadyang ganyan na lang sila Eh, kasi hindi kayo parehas ng opinyon mo, ooh-ooh 'Di estado mo sa buhay, tanging magpapatunay Kung ano'ng mayro'n ka at sino ka, hayaan mo sila Huwag kang matakot sa sasabihin ng iba Sa mundo na mapanghusga, lahat ay pinupuna Palayain lahat ng nadaramang bigat Sarili ay unahin na, piliin na sumaya Pakinggan mo ang laman ng puso't isip mo Ano man ang piliin, 'wag nating tratuhing iba s'ya sa atin Kailan kaya na matatapos 'to? Itong gan'to (hoy), mga panghuhusga n'yo Bakit 'di n'yo na lang pag-isipan ang mga sasabihin n'yo? Ba't ba lahat na lang, mayro'ng puna? Bakit ba lahat na lang, 'di maganda? Sana inyo ring isipin ang damdaming nararamdaman nila