Laging magkausap Kung minsan, magkahawak ng kamay 'Pag tayo'y magkasabay Palaging sinasama sa lakad ng barkada Ang gulo, hay, ano na ba'ng lagay? Sa araw-araw, 'di malinaw kung ikaw ba'y nanliligaw Napakalabo kapag 'di mo sasabihin ang gusto Ano ba talaga ang mayro'n sa 'tin, ha? Para 'di na 'ko umasa kung magiging tayo ba Ako ba'y gusto mo o isa lang ako Sa mga pinapaa-paasa mo? Oh ♪ Bakit 'di sabihin ang tunay na hangarin? Kung laro lang, sige, 'wag na ako Ayaw ko na isipin pa na ika'y kapiling Nabuo na lahat sa isip ko Na balang araw, manliligaw ka na rin para luminaw Pero malabo kapag 'di mo sasabihin ang gusto Ano ba talaga ang mayro'n sa 'tin, ha? Para 'di na 'ko umasa kung magiging tayo ba Ako ba'y gusto mo o isa lang ako Sa mga pinapaa-paasa mo? Oh ♪ Ano ba talaga ang mayro'n sa 'tin, ha? Para 'di na 'ko umaasa Ano ba talaga ang mayro'n sa 'tin, ha? Para 'di na 'ko umasa kung magiging tayo ba (magiging tayo ba) Ako ba'y gusto mo o isa lang ako Sa mga pinapaa-paasa mo? Oh