Nagsimula sa mga bagay na 'di naman dapat Pinagsasayangan ng oras Mga salitang 'di ko inakalang masasabi mo Oh, ano'ng nangyari sa 'yo, oh? Nagbago ang simoy ng hangin Palayo nang palayo ka na sa akin 'Di ko lang maunawaan Sana nama'y iyong linawin Kung bakit sa isang iglap, ika'y nagsawa Sa noong hiniling kay Bathala Bigla-bigla na lang binalewala, Mananatili ba o pipiliin ang sarili? ♪ Sa aking bawat paglapit, ika'y lumalayo Palayo nang palayo, palabo nang palabo Nais ko pa sanang manatili Nguni't parang wala nang dahilan pa 'Di na ba mababalik pa sa dati? Hahayaan na lang bang tangayin lang ng hangin Mga bagay na sabay natin noon pangarapin? Sa isang iglap, ika'y nagsawa Sa noong hiniling kay Bathala Bigla-bigla na lang binalewala Mananatili, ooh, whoa-oh Ooh, naninikip ang dibdib, nais ka lang makatabi Sabik na sabik sa 'yong pagmamahal na 'di pilit Nguni't kung mas pipiliin mong umalis Tatanggapin, 'di hihintayin, 'di na aasahan pang bumalik