Saan nga ba tayo nagsimula? Magkaibigan, nagkakatuwaan Dinadaan lahat sa tukso Damdamin ay nilalabanan Tinitiis ang bawat pagsubok Hirap pigilan ang ngiti Kahit naiinis, 'di ko matiis Hirap magkunwaring galit 'Di ko na mapilit Eh, alam ko na alam mo kung ano'ng nasa isipan ko At alam mo na alam ko kung ano'ng nasa puso mo Eh, bakit pa ba tayo malilito at mawawala? Kung iisa lang naman ang pupuntahan Saan nga ba tayo papunta? Magkaibigan o magka-ibigan? Ano nga ba talaga sa dalawa? Komportable sa tuwing magkasama Nalilito kung mali ito o tama Takot na magmahal muli Baka masakit, hirap mag-isip Takot na mawala ang lahat Parehong nag-aalangan magsalita Eh, alam ko na alam mo kung ano'ng nasa isipan ko At alam mo na alam ko kung ano'ng nasa puso mo Eh, bakit pa ba tayo malilito at mawawala? Kung iisa lang naman ang pupuntahan ♪ Eh, alam ko na alam mo Eh, alam mo na alam ko Eh, bakit pa ba tayo malilito at mawawala? Kung iisa lang naman ang pupuntahan Pareho natin alam Isa 'yan sa dalawa Magkaibigan o magka-ibigan?