Sino'ng mag-aakala na sa gitna ng dilim ay doon ko pa Makikilala ang magbabalik ng kulay at saya? Sa mundo kong nalalanta, ihip ng hangin, nag-iba 'Di pa ito ang tamang panahon para ako'y sumuko na Mali bang hilingin, patigilin ang pag-ikot ng mundo? ♪ Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli? Kahit pa isang saglit ♪ Maari ba tayong manatili sa ating sariling daigdig? 'Di na kailangang kilalanin ang nakaraan natin At 'di na kailangang tanggapin na may nagmamay-ari na Ng damdaming inakalang para sa 'kin talaga Nang ikaw ay biglang nawala Nalaman kong ako ay pansamantala Mali bang hilingin, patigilin ang pag-ikot ng mundo? ♪ Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli? ♪ Mali bang hilingin, patigilin ang pag-ikot ng mundo? ♪ Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli? ♪ Ako ba ay isang hindi inaasahang pagkakamali? Isang pagkakamali Mali bang hilingin, patigilin ang pag-ikot ng mundo? ♪ Mali bang hangarin na ikaw ay makapiling pang muli? ♪ Nang ikaw ay bumalik, nagpatuloy ang pag-ikot ng mundo