Pag-ibig na hindi namamalayan Pag-ibig na hindi alam Pag-ibig na hindi man lang mapagbigyan Pag-asang nakatali sa kaibigan At pwedeng makasira lang Kaya't naguguluhan Kung dapat mong malaman At nararapat bang aminin ko? O dapat 'wag na nga lang? Manggugulo, whoa 'Pag sinabi ko naman sa 'yo na ikaw na nga Magagawa pa bang ayusin pa? 'Pagkat sa oras na malaman mo ay mag-iiba Unti-unti nang may mawawala At sana nga bigla na lang malaman mo 'Di sana ang dali nito Hindi na rin magugulo ang isip ko Kasi sa totoo lang ay ayoko na Ayoko na nag-iiba 'Pagkat ayoko nang isipin pa Kung dapat mong malaman At nararapat bang aminin ko? O dapat 'wag na nga lang? Manggugulo, manggugulo, oh 'Pag sinabi ko naman sa 'yo na ikaw na nga Magagawa pa bang ayusin pa? 'Pagkat sa oras na malaman mo ay mag-iiba Unti-unti nang may mawawala Kailangan mong malaman na hindi ko ginusto At pilit kong sinubok na limutin ang damdamin ko At kahit na ayoko sanang mahulog sa 'yo Kailangan nang aminin ko Na ikaw na nga, ikaw pa talaga, ikaw pa talaga At 'pag hindi ko pa sinabi 'to ay mas lalala Palagi lang mapapa-isip pa At baka mas lalo pang ibigin ka Ooh, baka mas lalo pang ibigin ka