Kishore Kumar Hits

Feel Day - Nandito Pa şarkı sözleri

Sanatçı: Feel Day

albüm: Nandito Pa


Pwede ko bang malaman ang nasa isip mo?
Ano'ng gumugulo sa 'yo?
Kasi parang paminsan-minsan
Nasisilayan ko, ika'y nalulungkot
Nasisilip ko sa 'yong mga mata
Ang mga 'di mo maaming pangangamba
Pwede bang lumapit ka sa 'kin?
Ika'y yayakapin ko, hayaan mo
At ang mga suliraning
Hindi mo masabi no'n, alam ko na 'yon
At nandito pa naman ako, 'di ba?
Iniibig ka, iniibig ka
'Yung akala mong biglang mawawala
Nandito pa, iniibig ka pa rin pala
Sino'ng mag-aakalang kaya ko palang
Magmahal ng totohanan?
Nakakatakot pala, akala ko ako 'yung unang
Bibitaw na lang 'pag parang pwede nang masaktan
Pero bakit parang ang dali-dali
Manatili lagi sa iyong tabi?
Sana laging pwede, lumapit ka sa 'kin
Ika'y yayakapin ko, hayaan mo
At ang mga suliraning
Hindi mo masabi no'n, alam ko na 'yon
At nandito pa naman ako, 'di ba?
Iniibig ka, iniibig ka
'Yung akala mong biglang mawawala
Ay nandito pa, iniibig ka pa rin pala
Kahit minsa'y parang ang sakit-sakit
Ay hindi ko bibitawan ang yakap mong humihigpit
Lumapit ka sa 'kin
Ika'y yayakapin ko, hayaan mo
At ang mga suliraning
Hindi mo masabi no'n, alam ko na 'yon
At nandito pa naman ako, 'di ba?
Iniibig ka, maniwala ka
'Yung akala ko hindi ko rin magagawa
Nagawa ko na, talagang iniibig na pala kita
Ooh-ooh-ooh-woah
Nandito pa, talagang iniibig na pala kita
Ooh-ooh-ooh-woah
Nandito pa, talagang iniibig na pala kita

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar