May kumakalat na karamdaman sa paligid At walang gumagaling Sabi nila, pagka tinamaan ka, iinit At sabay ding lalamig Hala ka, ayan na, hindi mo ba makita? Hindi namamalayan na padahan-dahang may nag-iiba Huli na at 'di na mapigilan Tuluyan nang nagbago ang aking nadarama At 'di ko alam, 'di ko alam kung pa'no nga nangyari Ba't ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa isip ko? At wala na bang magagawa sa ganitong karamdaman? Delikado na ang nadarama sa 'yo ♪ 'Di ko inisip na mahahawa pa 'ko dito Akala ko, matibay na 'ko, whoa-oh Pero nakita kita, at walang tumalab na gamot Dumeretso ka sa puso At 'di ko alam, 'di ko alam kung pa'no nga nangyari Ba't ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa isip ko? At wala na bang magagawa sa ganitong karamdaman? Delikado na ang nadarama sa 'yo ♪ Sana kumalat pa ang karamdamang ito Sana mahawa ka, para pareho tayo Sana kumalat pa ang karamdamang ito Sana ibigin mo rin ako Hindi ko nga alam kung pa'no nga nangyari Ba't ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa puso ko? At wala na nga talagang magagawa sa karamdaman Ikaw lang ang, ikaw lang ang sagot Ikaw lang ang, ikaw lang ang gamot