Kishore Kumar Hits

Feel Day - Magtatagal Pa (ft. Vanessa Mendoza) şarkı sözleri

Sanatçı: Feel Day

albüm: Magtatagal Pa (ft. Vanessa Mendoza)


Hindi ko na nga maalala
Kanina ko pa inaalam
Kung ano nga ba ang dahilan
Kung bakit ba
Pinili ko na mawala ka
At iniwan ang lahat
Ng mga pangarap natin
At ngayong
Andito ka na sa aking harapan
Iba ang aking natatandaan
Pwede ka bang malapitan
Pwede kayang mag-usap lang
Kahit wala naman talagang katuturan
Nais ko lang masilayan
Ang mundong iniwan ko
Nang lumayo sa piling mo
At ngayong
Nandito ka na naman sa 'king isipan
Iba ang naaalala at nararamdaman
At kung magtatagal pa tayo dito
Ay manganganib na ang aking puso
Na malimutan nang tuluyan
Lahat ng pagkukulang
Na sanhi ng hiwalayan
Sa dulo noon
At habang pilit na inaalala
Ng isip ko kung bakit dapat hindi na
Ay patuloy ang damdamin
Sa kasasabi sa 'kin
Na sana magtagal pa tayo
Parang walang pinagbago
Heto pa rin ang puso ko
Bumibilis ang pagtibok
'Pag nandyan ka
'Di ko bigla maalala
Kung paano ko nagawang
Limutin ang mga yakap
At halik
At habang nandyan ka
Sa 'king harapan
Lumalaban na naman ang
Damdamin sa isipan
At kung magtatagal pa tayo dito
Ay manganganib na ang aking puso
Na malimutan nang tuluyan
Lahat ng pagkukulang
Na sanhi ng hiwalayan
Sa dulo noon
At habang pilit na inaalala
Ng isip ko kung bakit dapat hindi na
Ay patuloy ang damdamin
Sa kasasabi sa 'kin
Na sana magtagal pa tayo
At habang unti-unting naaalala (tayo)
Lahat ng mga sanhi kung ba't wala na (tayo)
Ay lalong tumitindi ang pagkilala
Ng puso ko sa puso mo
Pwede ka bang malapitan
At kung magtatagal pa tayo dito
Ay manganganib na ang aking puso
Na mapaibig mo uli
At tuluyan nang hindi ko mapigilan ang sariling
Lumapit sa 'yo
At habang pilit na inaalala
Ng isip ko kung bakit dapat umiwas na
Ay patuloy ang damdamin
Sa dalangin
Na sana nga magtagal pa tayo
Dito, dito, dito, dito
Sana magtagal pa, magtagal pa tayo
Dito, dito, dito, dito
At hindi makukuntentong
Bitin ang ating kwento
Kaya sana nga, magtagal pa

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar