Kishore Kumar Hits

Janine Teñoso - Pelikula şarkı sözleri

Sanatçı: Janine Teñoso

albüm: Kwento Sa Silid


Mapapansin mo kaya?
Ako'y magkukunwari ba sa nararamdaman
Kahit walang pumapagitan?
Ikaw ang tanging gustong pagmasdan
Oh, sana ako'y pagbigyan
Kay tagal nang hinihintay
Bawat saglit, sumasablay
Isayaw mo ako, sinta
Ibubulong ko ang musika
Indak ng puso'y magiging isa
Takbo ng mundo'y magpapahinga
Parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana
Bumabalik sa bawat eksena
Ako at ikaw, walang nang iba

Magdadalawang-isip ba 'ko
O iisa-isahin ang paghakbang pa-entablado?
Para lang na mapansin mo na
'Kaw lang ang sadya kong maisayaw
At magkausap kahit 'di sanay na humawak ng mga kamay
Sa 'yo lang ako sasabay, oh-oh, ooh
Kahit ngayong gabi lang (ngayong gabi mangyayari ang minsan)
Oh, kahit na sandali lang (sandali lang naman)
Isayaw mo ako, sinta
Ibubulong ko ang musika
Indak ng puso'y magiging isa
Takbo ng mundo'y magpapahinga
Parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana
Bumabalik sa bawat eksena (oh, bumabalik)
Ako at ikaw, wala nang iba

Oh, isayaw mo ako, sinta
Ibubulong ko ang musika
Ang puso'y... (puso'y magiging isa)
Takbo ng mundo'y magpapahinga
Na parang isang pelikula
Ilayo man tayo ng tadhana (oh-oh, oh-oh-oh)
Bumabalik sa bawat eksena
Ako at ikaw, walang iba

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar