Mabuti pa ang mga surot, laging mayro'ng may sisiksikan Mabuti pa ang bubble gum, laging mayro'ng didikitan Mabuti pa ang salamin, laging mayro'ng tumitingin 'Di tulad kong laging walang pumapansin Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel At mas mapalad ang kamatis, maya't maya'y napipisil Napakasuwerte ng bayong, hawak ng aleng maganda 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa Ano ba'ng wala ako na mayro'n sila? 'Di man lang magkaisa habang iba'y dala-dal'wa Pigilan n'yo ako magpatiwakal Mabuti pa ang galunggong, nasasabihan ng "Mahal" At kung ang suka ay may toyo, at ang asin, may paminta Mabuti pa ang lumang diyaryo at yakap-yakap ang isda Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa Mabuti pa ang simpleng tissue, laging nahahalikan Mabuti pa ang mga bisyo, umaasang babalikan Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa Ano ba'ng wala ako na mayro'n sila? 'Di man lang magkaisa habang iba'y dala-dal'wa Pigilan n'yo ako magpatiwakal Mabuti pa ang galunggong, nasasabihan ng "Mahal" Mabuti pa ang mga snatcher, laging may naghahabol Ang aking luma na computer, mayro'n pa ring compatible Mabuti pa sila, mabuti pa sila 'Di tulad kong lagi na lang nag-iisa 'Di tulad kong lagi-lagi na lang nag-iisa Nag-iisa