Yeah La-la-la-la La-la-la-la Nakaraan, ako'y nag-iisip Kung paano ko matatanggal mga tinik Salamat sa nanatili no'ng nasa sahig Pati 'yung mga taong 'di nagsawang makinig Sa mga plano ko't gusto Sa nagbubukas 'pag pinagsarhan ng pinto Sa nagtutuwid sa 'king paliko-liko Pasensiya kung madalas kalaban ang sarili ko, yeah Daming pagod na hindi ko na mabilang Pati mga taong nagsabi ng "madali lang" Ang pagkagising, katumbas ng pagsilang Kaya kinukuha pa rin kahit ilang Beses nang sinabing hindi para sa 'kin 'yan Daming mga payong 'di ko rin magampanan Hanggang saan pa ba ang dapat ko na lagpasan? Pagod na 'ko, 'di ba pwede manalo lahat 'yan? Itulog ko na lang daw, baka bukas ay umayos 'yan Madaming bukas Ang tanong ngayon, kung hanggang kailan Kung hanggang kailan Bakit 'di sumasang-ayon sa 'kin ang ikot ng mundo? Parang 'di na yata magbabago, takbo ng buhay ko 'Di ko maintindihan kung sa'n ba ito pupunta Baka 'di ko lang alam Baka 'di ko lang alam Madalas, nakangiti lang 'Kala mo, walang dinadala Bukod sa omad sa bulsa Daming baho sa pagkaing 'di ko rin naman maibuga Lalim ng dagat ng problema kung lulusong ka Talagang aangat ka lang kapag patay ka na Lahat nakakulong lamang sa pagtataka Alam ko, minsan, gusto mo lang maramdaman na buhay ka pa Kaya hinga lamang nang malalim Iba't iba ang emosyon, iisa ang suliranin Paano kung 'di pa rin ako masaya Kahit lahat ay mapasa 'kin? Daming nagsasabi sa 'kin Bago magyabang, dapat sarili kayang mapakain Ngayon, mayro'n pa akong anak na umaasa sa 'kin Nakakatawang ako ay nagiging madasalin, yeah Sa mga oras na lito Lahat ng magandang alaala ay ginto, kaya Bakit 'di sumasang-ayon sa 'kin ang ikot ng mundo? Parang 'di na yata magbabago, takbo ng buhay ko 'Di ko maintindihan kung sa'n ba ito pupunta Baka 'di ko lang alam Bakit 'di sumasang-ayon sa 'kin ang ikot ng mundo? Parang 'di na yata magbabago, takbo ng buhay ko 'Di ko maintindihan kung sa'n ba ito pupunta Baka 'di ko lang alam Baka 'di ko lang alam Baka 'di ko lang alam