Wala na ang lahat ng iningatan (Yea-yeah) Biglang tinapon ang mga pinagsamahan (oooh) Unti-unti ko ng tinanggap ngayon tayo ay wala na Mula nang mawala ka Di ko malaman ba't ganto yung kapalit, yeah Di inasahan maging ganto kasakit, yeah Na harapin katotohanan na lahat ay nawala na Di ka na babalik Babalik tayo sa nakaraan kahit masakit Sinira na kung sinong malapit Sa hindi inaasahang pagkakataon Pagkatapos merong kapalit 'Wag mo muna isara ang kurtina Patayin ang ilaw di ka na bida Napansin na lumamig ang klima Sa totoo lang kung babalik ka pa Di na Kung tutuusin di ko lulubusin Sayang lang ang oras ko na bubunuin Kung gagamiting dahilan ang bagay na hindi ko ginawa Ay aalis nalang baka sakaling matuwa O magluksa Alipin ka ng oras sa pansin dukha Kaya naguguluhan kasi hindi tugma Tanggapin kung anong binigay Tagal kong inantay na bitawan aking kamay Sa tagal kong nakulong sa mga bagay Na hindi ko naman talaga nakuhang magamay Sayo lang lumapit, kumapit Pero bakit kahit ako yung nahirapan Ikaw pa yung bumigay Sa bawat lakad mo mas pinili kong sumabay Sa agos ng buhay ako nagsilbi mong gabay Pero huli na nung malaman ko Sa barkong ginamit natin Ako nalang pala yung nakasakay Bakit ba hindi ko nakita na Na bandang huli lahat ng nabuong pangarap ay mawawala Dahil lumisan ka Kaya hindi ko na alam ang dapat kong gawin San ba dadalhin kung ako lang din Ang tatanungin Di na aasa na bumalik sa'kin Sapagkat alam ko na din naman na Wala na ang lahat ng iningatan (yea-yeah) Biglang tinapon ang mga pinagsamahan (ooh) Unti-unti ko ng tinanggap ngayon tayo ay wala na Mula nang mawala ka Di ko malaman ba't ganto yung kapalit, yeah Di inasahan maging ganto kasakit, yeah Na harapin katotohanan na lahat ay nawala na Di ka na babalik Di ka na babalik Babalik tayo sa nakaraan kahit masakit Di ka na babalik Sa hindi inaasahang pagkakataon pagkatapos merong kapalit Di ka na babalik