Sa pag ihip ng hangin tila sarili lang ang pinain Mga katotohanan minsan di maririnig, Kailangan basahin (kailangan basahin) Sige hanapin, sige lakarin mo ang lawak ng syudad Saka mo malalaman ang iba't ibang personalidad Minsan nang nagtaka kay God tadhana tila ako'y sinagad Ang hirap maging iyong alagad nung hindi kana komportable umalis agad Sanay na ako mag isa masasayang alaala ginunita Hanggang sa malaman na ako nalang pala ang natitira Pinanghawakan mga huli mong salita Sa pagsisisi ako'y huli naba Mga dahilan ng iyong mga ngiti hindi Ako te-teka sino siya (te-teka sino siya) Masakit na nakaraan, sa aking memorya Minsan kailangan ng kausap, pasensya sa abala Naglalakad, naliligaw, hindi marinig aking sigaw (aking sigaw) Sa sobrang taas mo (sobrang taas mo) Di mo na ako matanaw Naglalakad, naliligaw, hindi marinig aking sigaw (aking sigaw) Sa sobrang taas mo (sobrang taas mo) Di mo na ako matanaw Masamang bangungot trauma ang dinulot Nawala ang takot salamat sa mahiwagang naka balot Utak at puso palaging nag ra-riot Sa tingin mo Kristiano kaba kung walang sumakop Ito ang paraan ng aking paglaya Kanino ka magtitiwala Eh halos lahat ngayon ay madadaya Walang panahon para maging mahina Sa mga negatibo wag magpahila Pagkatao sinasagisag ang kulay pula sa bandila Tulog ang katawang lupa ngunit gising naman ang diwa Mga plano wag sasabihin kahit nasa dulo na dila H'wag sumabay sa ulan hintayin ang pag tila Okey lang na matalo basta wag magpa paraya