Kishore Kumar Hits

JP Bacallan - Yugto şarkı sözleri

Sanatçı: JP Bacallan

albüm: Heartbeat


Sa hinaba-haba ng aking pinagdaanan (Pinagdaanan)
Salamat sa Maykapal, ika'y aking natagpuan
Mali man sa mata nila'y wala akong pakialam (Walang pakialam)
Basta't ika'y napapasaya habang hawak aking kamay
Higpitan ang iyong yakap
Kwento'y ating susulatan
Panibagong yugto
Ikaw at ako
Hindi kita susukuan
Araw-araw ay liligawan
Panibagong yugto
Hanggang sa alam mo na ang apelyido ko
Yeah
Kalimutan mo ang nakaraan (Kalimutan mo)
Sabay nating harapin ang kinabukasan
Kalimutan na ang nakaraan (Kalimutan mo)
Sabay nating harapin
Nang buksan ang aklat, ikaw ang aking nakita
Sa pahina'y nakasaad na 'di ka na luluha pa
Ikaw lang ang nagpatibok
Ng aking pusong sobrang lungkot
Kapag nariyan ka limot ko na
Ang mga problema at pagsubok
'Di papaawat at 'di rin papatalo sa mga hadlang
Pagsalubong sa'yo
Iaabot ang bitbit ko na rosas
Na yan laging aawitin
Aking alay sa'yo
'Di kita pababayaan
Lagi ka na aalayan
Pangako sa'yo
'Di lalayo
Lalaking maasahan
Na hindi ka iiwanan
Sa ating yugto
'Pagkat ikaw lamang ang pipiliin ko
Papasukin ang bagong yugto na dumating
Pagbigyan mo ako't ako'y iyong dinggin
Ang bawat paglapit mo'y katahimikan ko
Sa mapang-api't magulong mundo
'Di ko yata kakayanin ang paglisan mo
Tanggapin ang kamalian
At kung sa'n ka nahihirapan
Sabihin mo lang at gagawan ng paraan, yeah
'Di mo na kinakailangang
Magpanggap na natakasan
Na ang madilim, malagim, at mapait na nakaraan
Kalimutan mo ang nakaraan (Nakaraan)
Sabay nating harapin ang kinabukasan
Kalimutan na ang nakaraan
Sabay nating harapin...
Sabay nating harapin...

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar