Sa aking paghahanap ng dalaga Tila swinerteng ika'y nakilala Buti sa dinami daming taong pwedeng akin Nagsilbe ka na pagpapala Medyo tipid 'di mo hilig gumala Gusto mo lang nood movie sa sala Tema ng film merong bedscene, pag climax ang ending natin malamang (ano ba may mga bata) Kunware ka pa nung una na hindi interesado Sa'kin ang katulad mo 'Di rin nagtagal nung ako'y umamin na Gusto kita, gusto din pala ako Nako po, nako po Puso ko ay nalaglag At bigla nalang napa-upo at dahil yun sa'yo Lagi nang naglalaba Natuto na din magpabango Pa'no na lang kung hindi kita nakilala Habang buhay na 'ko matamlay Ikaw nagbigay ng sigla sa blanko kong mundo Kaya bigla 'tong nagkakulay sa'yo na 'ko sana'y Kumportable bawat dighay Pati pagutot ko ay gamay na Handang manatili sa hirap at ginhawa-kan mo lang aking kamay Sumandal ka sa'kin, huwag nang mamroblema Ikaw lang ang mahal ko at wala nang reserba Sagot kita sa tatahakin nating daan, kaya huwag mag-alala Huwag kang mag-alala, iniirog tika Sumandal ka sa'kin, huwag nang mamroblema Ikaw lang ang mahal ko at wala nang reserba Sagot kita sa tatahakin nating daan, kaya huwag mag-alala Huwag kang mag-alala, iniirog tika Ako na aako ng pamasahe mo papunta man o pauwi 'Di ko din hahayaan na ika'y gabihin dahil nais pa kitang makitang muli Baka kasi mapahamak ka pa be Sino na lang kasama ko magkape? Lagi mong pakatandaan na hindi ko na kayang magmahal uli Huwag kang umalis dahil 'di na 'ko naghangad ng more Nagbago buhay nung natagpuan ka at hindi na ako naging reklamador Pasasalamat 'to kay Lord, 'di ka naghangad ng hindi ko afford Kumpleto ka tila sabaw na may Knorr Wala ng hintuan ang napiling biyahe, wala ng balak magmenor Oh, jusko Hanggang kailan maglalahi ang pagsinta mo sa katulad ko Sa'yong sa'yo ko lamang inilalaan Bakanteng espasyo ng pusong ito Sumandal ka sa'kin, huwag nang mamroblema Ikaw lang ang mahal ko at wala nang reserba Sagot kita sa tatahakin nating daan, kaya huwag mag-alala Huwag kang mag-alala, iniirog tika Sumandal ka sa'kin, huwag nang mamroblema Ikaw lang ang mahal ko at wala nang reserba Sagot kita sa tatahakin nating daan, kaya huwag mag-alala Huwag kang mag-alala, iniirog tika