Bilanggo sa panaginip, Pa'no ba matatahimik Kung ikaw lang ang nilalaman? Bawat oras nasa isip, Para bang nasa paligid Ba't di magawang makawala? Mga alaala natin na unti-unting nag-iiba Bibihira nalang, kumausap pa ko ng iba Lumalamig na ang gabi, kasing pait pa ng kape, Ngiti mo para sakin, nawalan na ng silbi Lumalaban pa 'ko sa sakit Habang binabangit mo sa 'kin na gusto mo pa ulit Hindi na nga pupwede bumalik sa dati Nasanay na kong mag-isa, kaya eto ngayon patuloy na maglalakbay Sa byahe, ubos na ang pamasahe Dala ko parin ang yong imahe Sana sa paglubog ng araw Mahanap natin dalawa Nawawalang ligaya Magpahinga ka muna Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Piliin mo sumaya, hindi puro ako lang Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Piliin mo sumaya, hindi puro ako lang (hindi puro ako lang) Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Piliin mo sumaya, hindi puro ako lang Tagu-taguan, maliwanag ang buwan Piliin mo sumaya, hindi puro ako lang (hindi puro ako lang) Bilanggo sa panaginip, Pa'no ba matatahimik Kung ikaw lang ang nilalaman? Bawat oras nasa isip, Para bang nasa paligid Ba't di magawang makawala? Ilang beses mga alaala'y binabalikan 'Di yan pwede na mawalay lamang at mapalitan Bawat oras mo sa akin, laki kong pasasalamat 'Di mo man natanong kung bakit, di ko kayang suklian Uh, pag pasensyahan mo na Bakit aking ibinaling atensyon ko sa iba Ayoko na kasing mahulog at umasa pa Kung hahantung lang din sa dulo na ako ay mag-isa Hindi nako katulad pa nung dati na palaging Nakatingala sa langit, tatahakin kung san'man dalhin ng hangin, Kahit daming sinasabi, laging mahigpit ang kapit, Kalawakan na pagitan saki'y nagiging malapit Uh, sana ay mapakinggan Kailangan talaga kahit ikaw ay masaktan Mabuti na ngayon palang ika'y pagsabihan Yoko kasing mawala habang ika'y iwang lutang sa kawalan 'Di ako karapat-dapat sa 'yong oras at hangarin Ganunpaman araw-araw kang kasama sa dalangin At wag kang mag alala, makakahanap ka rin Ng 'sang taong sasamahan ka't magmamahal palagi Magmamahal palagi, makakahanap ka rin 'Wag kang mag-alala, makakahanap ka rin Ng 'sang taong sasamahan ka't magmamahal parati kahit Bilanggo sa panaginip, Pa'no ba matatahimik Kung ikaw lang ang nilalaman? Bawat oras nasa isip, Para bang nasa paligid Ba't di magawang makawala? Ilang beses sinubukan, Kalimutan ka't sukuan Pero ba't hindi ko magawa? Bawat oras ay sukdulan Ang ligaya, pakiusap 'Wag na 'wag ka nang mawawala.