Kitang kita sa iyong mata, parang bang nagsisisi ka? 'Di ako mayabang pero kaya kong ipagyabang na Ako lang ang may kayang gawin na ika'y pakalmahin Kaya kita ko na kahit meron kang iba, iba pa rin kasi Kahit 'di aminin, 'lam ko na ako pa rin naman ang gusto mo 'Di mo man sabihin, kaya kang basahin parang bukas na libro, oh Kahit na anong gawin at pagtakpan, 'lam ko na kapag ika'y nasasaktan And I know that I was the best that you had Ayoko nang magsalita, kung pa'no ba nagsimula Istorya nating dalawa na parang nobela Sa gitna ng mga pahina, parating may eksenang Nagsisigawan, nagbabangayan sa 'di alam na dahilan Ano ba nangyari sa 'ting dalawa? Dati naman ay masaya, kahit may pagkakaiba Ng gusto sa buhay, pag-ibig ang tanging pakay Titig lamang ang patunay, kaya kahit kalimutan, 'di makakayanan Kahit 'di aminin, 'lam ko na ako pa rin naman ang gusto mo 'Di mo man sabihin, kaya kang basahin parang bukas na libro, oh Kahit na anong gawin at pagtakpan, 'lam ko na kapag ika'y nasasaktan And I know that I was the best that you had Alam kong mahirap gawin na ako'y limutin Kahit sino ay makakapansin na Nagsisisi ka at parang 'di mo kaya Na makita ako na masaya sa yakap ng iba Pero wala na akong magawa kundi tignan ka 'Yan ang kapalit ng lahat ng sakit na hindi ko na kinaya't natiis Asahan mong 'di mo na maaasahang babalik, hey Eto na ang huli nating pagkikita Maghanap ka man 'di mo na makikita ito sa iba Kahit sa'n pa tumingin Kahit 'di aminin, 'lam ko na ako pa rin naman ang gusto mo 'Di mo man sabihin, kaya kang basahin parang bukas na libro, oh Kahit na anong gawin at pagtakpan, 'lam ko na kapag ika'y nasasaktan And I know that I was the best that you had