Nilisan ang nakaraan Bulong sa'king sarili ay pinakinggan ♪ Paningin ko na ay binuksan Ngunit nakakasilaw kung kaya't pakipat-kipat lang Sinunod ang sabi-sabi Humakbang nang paabante Pinatid na'ng kadenang nakatali Gamit isipa't pambakal na lagari Muling simulan Bumarog na parang tandang Hinilamos na ang Tubig ng katotohanan Dilim na ay pinaglaon Aking nakaraa'y ginawa kong baon Nilisan ang kama, muling bumangon Kama ng bangungot at itinapon Dahan-dahan Puwede ka ring gumapang Iwas ka lang Tadhana'y sobrang gulang Titigan nang mabuti ang reyalidad Sa panahon ngayong uso'ng kunwarian 'Di na bale na ako ay matagalan Hindi ako takot sadyang nag-iingat lang Ingat lang, ingat lang, ingat lang Ingat ka, ingat ka, ingat ka Ingat lang, ingat lang, ingat lang Ingat ka, ingat ka, ingat ka Kakagaling sa sakit takot mabinat Gusto ko sa taas ng gulong ng palad Durog na puso, kakaligpit lang ng kalat Iwasan kung ano man ang balak Mga sangkap sana ay hindi na maalat Nauto na dalawang mata ko ay namulat Tinandaan sa listahan at nakasulat Malasin man ay hindi na magugulat Pagisipang mabuti ang mga galaw Tulisan ang isipan parang balaraw Ayusin ang timpla dapat ay nakanaw Mo nang maigi upang 'di na umayaw Ayaw ko nang maiwan ng eroplano Sa biyaheng papunta sa ating mga plano Linawin ang lahat gusto ko klaro Kung 'di ka tatagal ay 'wag na lang kako Lahat lilinawin upang maayos Ang pananaw pagkat ayoko nang magapos Sa lubid, aking leeg, nakakapaos Ayaw ko na sa salita na tapos Ayaw ko nang umasa sa mga parang Paglaon ng panahon ay gustong pumara Pakiusap lang ayoko pang mapana 'Di ko pa natagpuan karapat-dapat Ingat lang, ingat lang, ingat lang Ingat ka, ingat ka, ingat ka Ingat lang, ingat lang, ingat lang Ingat ka, ingat ka, ingat ka Tumingin ka sa kaliwa't kanan Bago ka tumawid magalinlangan Huwag magpakain sa sariling karupukan Ingat lang, ingat lang, ingat lang