Aking pampagana ang "magandang umaga" mo Masaya sa lasa ng timpla ng pagmamahal mo Mga hindi mabilang na tinginan Sa ilalim ng bubong kung san tayo sumumpa Na ikaw lang at ako umaraw man o umulan nang malakas Bakit ba parang bitin pa Ang araw-araw ka makita? Kung maaaring bumili ng Karagdagang oras ay gagawin na Tara sa duyan at pagusapan Ang ating bukas nang magkayakap Muling nagpasalamat sa langit Nung nabigyan ng pag ibig na galing sayo Na bawat araw at oras ay mas tumatalab Muling nagpasalamat sa langit Nung nabigyan ng pag ibig na galing sayo Na bawat araw at oras ay mas tumatalab Sa tuwing nakalugay ka o kahit nakatali pa Sobrang ganda mo lagi-lagi lalo pag ngumingiti ka na Gusto ko lang maglakbay nang kasama ka sa daan Gusto ko lang ng ikaw at mapayapang lugar Di na rin kailangan pintuan na tungong katapusan Dahil yun lang ang hinding hindi natin pupuntahan Kada nakikita ka ay parang laging lumulundag-lundag at Kumakatok damdamin ko pagkat sabik sa dala-dala mo Na sobrang bisa sa pakiramdam na sakin lamang binigay Sayo panatag ako Muling nagpasalamat sa langit Nung nabigyan ng pag ibig na galing sayo Na bawat araw at oras ay mas tumatalab Muling nagpasalamat sa langit Nung nabigyan ng pag ibig na galing sayo Na bawat araw at oras ay mas tumatalab Sa'yo panatag ako