Estoryang pinamagatang Sari-Sari Ilaw mula sa silab Tronong walang hari Dito nasanay at dahang namulat Na tayo'y mga talang patay Sumibol sa gulat Sa pagkalakas ng pagsabog Buddha, at Hesus Nagkrus ng landas Umupo't nagtawanan Ipinasa sa kanan At gaslaw ng panahon Ay biglang humupa At dito nagsimula Matalinghaga na ba? Sinusubukan kong maigi Na mapunan ang nalimot na gigil Naubusan ng pisi Sa bawat oras na nagsisipumilit Na naman sa isipan ko ang pawang garalgal At sipol ng mikropono Sa utak kong sari-sari Sa utak kong sari-sari Sa utak kong sari-sari Sa utak kong sari-sari Sa pilyong pag unawa natutong sumabay Sa pagpulupot ng baging Ugat na humiwalay Tayo daw din ay isang punong Sisirain ang sarili Para muling umusbong At sumukob sa langit Kasama ng mga talang Hihina't sasabog Sa pagidlip Sa landas na pasikot Tayo ay babalik Tayo ay babalik Estoryang pinamagatang Sari-Sari Ilaw mula sa silab Tronong walang hari Dito nasanay at dahang namulat!