Ooh Ooh Alam ko may mali ako Kahit na nananabik pa sa yakap mo Nagmamatigas ako Gusto kong hawakan nang mahigpit ang 'yong mga kamay 'Wag kang aalis sa aking tabi 'pagkat 'di ako sanay Kahit na ano man ang mangyari Nandiyan ka palagi Tinitiis lahat ng sakit, hapdi Para lang sa akin Ma, kung marami man akong pagkukulang Lahat naman 'yon ay aking pupunan Ikaw ang aking tandayan 'pag wala 'kong unan Kahit ngayo'y malayo na Tumatayo nang mag-isa Iba pa rin ang 'yong dalang Pagmamahal 'pag nandiyan ka Kahit 'di ko man masabi sa 'yo, Ma Kung gaano kahalaga Hanggang ngayon nananabik pa rin ako sa iyong Sa iyong pagmamahal Pagmamahal Sa 'yong pagmamahal Pagmamahal Sa' yong pagmamahal Mama, salamat at ikaw ang naging ilaw ng tahanan natin Ni minsa'y 'di ka nagkulang Sa pag-aalaga at pagtitiyaga sa akin Bilib din ako sa 'yo, sa iyong pinakitang pagmamahal Kaya hanggang sa dulo, Ma Ako'y saludo sa iyo, aking ina Dahil natayo, naisulong mo ang pamilya natin Na maayos na ikaw lang mag-isa Alam kong 'di sapat ang papuri at salamat Alam kong kulang ang mga halik pati ang yakap Alam kong 'di ko kayang tumbasan ang mga luha't mga pawis Na binuhos mo 'wag lang kaming magdusa Ikaw ang nagbigay ng buhay, 'di ka naghintay Ng pabuyang kapalit o masarap na tagumpay Basta para sa iyo walang 'di kayang ibigay Kung ako'ng makikinabang, buhay man ibibigay Inay, salamat, kahit minsan po ay 'di ka tumalikod Tinuro mo sa amin sa taas 'wag makalimot Pangako kahit sa'n makarating o makalibot Ay baon mga turo mo, hindi ko malilimot