Kishore Kumar Hits

Ex Battalion - Bounty şarkı sözleri

Sanatçı: Ex Battalion

albüm: Bounty


'Wag kang mag-alala, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin kita, ya-ya-ya
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, ya-ya-ya
'Di man agaran pero katagalan
Makukuha rin kita
'Di man paspasan, konting tiyaga lang
Makukuha rin kita
Ano bang sikreto mo, ba't 'di ako makuntento?
Kailan pa kaya ako magkakaroon ng tiyempo
Kung sa tuwing papalapit ako, bigla kang pe-preno
Kaya sira ang diskarte ko, balik sa dulo
Laging iniisip ko
May pag-asa bang ibigin mo?
Kung sakali mang aminin ko
Ang pagmamahal ko ay sasagutin mo
Pero para bang malabo
Hinahabol ang tingin mo sa malayo
'Di ko maiwasan, 'di matago
Kagustuhan ko lang sanang maging tayo
Gusto na kita mula dati pa lang
'Di mo pa ba nahahalata?
Kailangan pa bang tayong magturuan
Para lang matutunan mo na ako'y lingunin
Kahit na sandali, matagal ko na 'to na inaabangan
Kailan sasagutin? May pag-asa pa ba?
O baka naman ay paasahin mo lang
Ang tagal ko na kasing hinihintay
Na kung kailan mapapasa'kin ang 'yong mga kamay
Konting tiis, pwede ba miss, pakibilis, naiinip at naiinis
Na mag-antay para lamang sa isang matamis mong kiss
Kahit na ilang oras, tag-init man o umulang malakas
Wala 'kong pake sino mang mabanas
Basta kaya kong mag-antay sa labas ng bahay niyo
Kayang harapin ang tatay mo, pabilibin ang nanay mo
Kasi ang asawahin ka, 'yan ang pinakapakay ko
'Pag nagkita, masaya na
Hay nako, bakit 'di kita makuha?
Ba't hindi ka makasama?
Oh, Diyos ko, gusto ko siyang maging asawa
'Wag kang mag-alala, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin kita, ya-ya-ya

Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, ya-ya-ya
'Di man agaran pero katagalan
Makukuha rin kita
'Di man paspasan, konting tiyaga lang
Makukuha rin kita
Alam mo ba na makukuha rin kita?
'Di ko lang alam kung kailan pero dama ko malapit na
Tatandaan mo, bilog ang mundo kaya mainip talo
Kailangan mo na tiyagain bago ko hilingin na sana sagutin niya 'ko
'Di nga ko nainip kakaabang sa iyo na dumating ka
Kaya sanay na akong maghintay habang nilalambing ka
Lagi akong nandito, nagbibigay motibo
Para mapansin mo rin ako at mahalin mo
Ikaw ang dahilan kung ba't nililibang ko
Sarili ko hanggang 'yung oo mo ay matikman ko
Darating din tayo diyan, 'yun ang alam ko
Sasagutin mo rin ako at papakasalan mo
Para bang suntok sa buwan, walang kasiguraduhan
Kahit sa'n tignan, parang imposible
Kung ano o pa'no gawin kahit sapilitan mo 'ko
Na mapansin, lagi lang pasimple
Laging natotorpe, lapitan ka
'Di rin nakakotse, kung minsan pa
Tatagaktak-patak ang pawis
Sa kamiseta sa paglakad mag-isa
'Pag nakikita kita, ako'y napapangiti
'Pag hindi pa naka-cancel, hindi pa pwedeng umuwi
Sinusulit na masilip ka sa bawat sandali
Padating na ba 'yung araw na aking pinakahihintay
Ko noon pa sa iyo, oh, Diyos ko
Baka bukas ako na bigla 'yung gusto
Na hindi ko kayang makuha sa kung ano mang dasal
'Di na kita papakawalan, mamahalin ng husto
'Wag kang mag-alala, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin kita, ya-ya-ya
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, ya-ya-ya
'Di man agaran pero katagalan
Makukuha rin kita
'Di man paspasan, konting tiyaga lang
Makukuha rin kita
'Pag nagkita, masaya na
Hay nako, bakit 'di kita makuha?
Ba't hindi ka makasama?
Oh, Diyos ko, gusto ko siyang maging asawa
Alam ko na 'di patas ang mundo para sa 'ting dalawa
Hahayaan mo na lang ba kong mahulog
Kasi 'di ko alam kung napupuna mo ba pagpapapansin ko
Halos mamatay na kakaantay na makagat ang mga labi mo
Sa salamin, ako'y nakatingin
Habang sinasabi ng aking isip, 'wag kang mag-alala
'Wag kang mag-alala, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, makukuha rin kita, ya-ya-ya
Makukuha rin kita, makukuha rin kita
Makukuha rin kita, ya-ya-ya
'Di man agaran pero katagalan
Makukuha rin kita
'Di man paspasan, konting tiyaga lang
Makukuha rin kita
'Pag nagkita, masaya na
Hay nako, bakit 'di kita makuha?
Ba't hindi ka makasama?
Oh, Diyos ko, gusto ko siyang maging asawa

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar