Kishore Kumar Hits

Sawndass Music - Nag-Iisa şarkı sözleri

Sanatçı: Sawndass Music

albüm: Nag-Iisa


'Di na sasayangin ang pag-ibig simula ng dumating ka (Oh yeah)
Lahat ng sugat at sakit na nararamdaman ko gumaling na (Ooohhh)
Ligaya ang nadarama, mula nang makilala ka
Kaya 'di na lilingon pa sa iba
Ikaw lang nag-iisa
Buong akala ko noon wala na
Akala ko 'di na 'ko liligaya
Damdamin ko kasi sawang-sawa na
Sa pait na pinalasa ng mapaglarong tadhana
Muntikan na 'kong bumitaw, sumuko dahil 'di ko na kaya pa
Lokohin ang sariling nakalimot na kahit nasasaktan
Grabe napakasakit ng pinadama
Pero buti na lang dahil nakilala ka
Lahat ng sugat sa puso ko na dala-dala
Unti-unti mong ginamot kaya ko'y nakalimot na
Ako'y panatag na ngayon sa piling mo
At pangakong 'di ko sasayangin ang pag-ibig mo
'Di na sasayangin ang pag-ibig simula ng dumating ka (Oh yeah)
Lahat ng sugat at sakit na nararamdaman ko gumaling na (Ooohhh)
Ligaya ang nadarama, mula nang makilala ka
Kaya 'di na lilingon pa sa iba
Ikaw lang nag-iisa
Sa dami ng mga pagsubok sa'ting dumaan
'Di ko lubos inasahan na meron pa palang magpapagaan
Nararamdamang bigat sa'king damdamin, mga suliranin
Na tila lahat nawala
Ikaw ang nagkulay sa mundo kong walang buhay
Kaya sapat ka na nga
Para sa akin, 'di na mababaling, mananatiling
Pangako sa'yo wala ng iba pang habambuhay na makakapiling
'Di babaliin sumpang binitawan ko para sa'yo
Handa kong patunayan hanggang kamatayan
Kahit na umabot man tayo sa dulo ng walang hangganan
Itaga mo sa bato ang pag-ibig ko
Salamat dahil sinagip mo 'ko sa pagkabigo
Inalis mo sa pagkalito ang sarili ko
Kaya thank god I found you, napakabuti mo
Pag-ibig na 'di kayang tumbasan ng materyal
Sa wakas natupad na ang matagal 'kong pinagdarasal
Hiling sa maykapal na ngayo'y dumating na
Upang lahat ng nadamang sakit ay gumaling na
'Di na sasayangin ang pag-ibig simula ng dumating ka (Oh yeah)
Lahat ng sugat at sakit na nararamdaman ko gumaling na (Ooohhh)
Ligaya ang nadarama, mula nang makilala ka
Kaya 'di na lilingon pa sa iba
Ikaw lang nag-iisa
Pa'no kung 'di ka dumating?
Siguro ay ganon parin
Nananatili sa silid na puno ng pighati
At mga masasakit na alaala
Akala ko'y wala ng ikaw
Na nandyan at handang itama ang maling nakaraan
Kayrami mong binago magmula ng dumating ka oh ohh
Ikaw ang tanging dahilan kaya nagawa kong kalimutan siya
Damdamin ay gumagaan
Mula ng makilala ka
Kaya di na lilingon pa sa iba
Ngayong nandito ka na
'Di na sasayangin ang pag-ibig simula ng dumating ka (Oh yeah)
Lahat ng sugat at sakit na nararamdaman ko gumaling na (Ooohhh)
Ligaya ang nadarama, mula nang makilala ka
Kaya 'di na lilingon pa sa iba
Ikaw lang nag-iisa
Pa'no kung 'di ka dumating?
(Ikaw lang nag-iisa)
Pa'no kung 'di ka dumating?
(Ikaw lang nag-iisa)
Pa'no kung 'di ka dumating?
(Ikaw lang nag-iisa)
Pa'no kung 'di ka dumating?
(Ikaw lang nag-iisa)

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar