Ipikit man ang mata't hilingin Na s'ya ay muling kasama, kausap, kapiling Kailangang tanggapin na wala na s'ya sa akin Ngunit heto ang mga pabilin Yakapin mo s'yang mahigpit 'pag s'ya ay galit Manatili sa kanyang tabi Hawakan ang kanyang mukha, tignan sa mata Ipaalalang kakampi ka n'ya Sana'y gawin ang lahat ng 'di ko nagawa ♪ 'Wag ibalewala ang mga oras Na s'ya'y masungit at ulo'y mainit 'Pag kailangan ka n'ya, 'wag kang mag-antala S'ya'y amuhin at 'yong pakainin Yakapin mo s'yang mahigpit 'pag s'ya ay galit Manatili sa kanyang tabi Hawakan ang kanyang mukha, tignan sa mata Ipaalalang kakampi ka n'ya Sana'y gawin ang lahat ng 'di ko nagawa ♪ Sana'y 'wag magpahuli Bilang lamang ang sandali 'Di man natin gustuhin Ang oras ay 'di sa 'tin Yakapin mo s'yang mahigpit sa bawat sandali Na parang 'yon na ang huli Sabihin ang nadarama na mahal mo rin s'ya Huwag nang hintaying mawala Lagi mo s'yang pakinggan at lagi mong kakantahan Sana'y gawin ang lahat ng 'di ko nagawa