Sa wari ko'y lumipas na Ang kadiliman ng araw Dahan-dahan pang gumigising At ngayo'y babawi na Muntik nang nasanay ako Sa 'king pag-iisa At kaya nang iwanan ang Bakas ng kahapon ko Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko Nagbago man ang hugis ng puso mo Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 'Pagkat tuloy pa rin Kung minsan ay hinahanap pa Ang alaala ng 'yong halik (alaala ng 'yong halik) Inaamin ko na kay tagal pa Bago malilimutan ito Kay hirap nang maulit muli Ang naiwan nating pag-ibig (alam ko na 'yan) Natanggap na at natututo pang Harapin ang katotohanang ito, whoa Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko Nagbago man ang hugis ng puso mo Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 'Pagkat tuloy pa rin, whoa-oh Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko Nagbago man ang hugis ng puso mo Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 'Pagkat tuloy pa rin ♪ Muntik nang nasanay ako Sa 'king pag-iisa At kaya nang iwanan ang Bakas ng kahapon ko Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko Nagbago man ang hugis ng puso mo Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 'Pagkat tuloy pa rin Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko Nagbago man ang hugis ng puso mo Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 'Pagkat tuloy pa rin Tuloy pa rin Nagbago ang puso mo Hamunin ang... Tuloy pa rin, whoa-oh, oh-oh-oh Hamunin ang aking mundo 'Pagkat tuloy pa rin Tuloy pa rin