Kishore Kumar Hits

Poi$onhxrzy - Lamig şarkı sözleri

Sanatçı: Poi$onhxrzy

albüm: Lamig


Somethin' isn't right with us
I've been list'ning
Paying attention
You don't listen
You've been giving
You've been spending up
Your time
Out there lying
Oh
You're like novacane
Novacane, novacane
Parang may mali mahal, nanlalamig ka na mahal
Habang tumatagal nararamdaman mo ay tinatangay ng hangin
Anong kulang sabihin mo naman sa akin
Kasi 'di ako sanay, may lamat na ba tayo
Sana naman ay wala pero parang meron sa 'king palagay
Madalang ko nalang nadarama ang haplos ng iyong kamay
'Di ako makatulog kasi panay ang kakaisip ko sayo't naghihintay
Pinipilit ko pa ding magising kahit mata ay pumipikit na kasabay
Ng mga bituing unti-unting liwanag ay namamatay
Habang bumubuhos ang ulan isip ko'y naguguluhan
Pwede ba akong lumapit sa'yong ulunan
Gusto lang kitang mapagmasdan
Kahit wag ka nang sumandal sa 'king bisig
Hindi ko na marinig ang paborito nating himig
Alam mo bang ikaw ang dahilan
Kung bakit ko nagustuhan ang 'di ko hilig
Tapos ngayon ikaw ang bibitaw sa aking piling
Ang sakit...
Dinadaya ko na lamang ang sarili
Na walang nagbago at ganun pa rin tayo
Pero bakit ganito nalang gabi-gabi
Nasa iisang higaan lang pero parang hindi ko ramdam na magkatabi
Aking tinitiis kahit parang nagpapanggap nalang tayo na matamis
Ayaw kita na bitawan ako ay nanghihinayang sa pinagsamahan natin
'Wag kang umalis kasi 'di ko kaya
Ayos lang sa akin na magpaubaya
Kahit masakit na, kahit na mali na
Dito ka lang kahit konting sandali pa
Bigyan mo ng panahon
Gawan ko ng paraan baka masama lang ang 'yong pakiramdam
Inisip ko na ang lahat ng positibo
'Di ko maiwasang mawalan ng pag-asa
Ayoko din namang manatili ka sa akin
Kahit di ka na maligaya
Magkukulong na naman ako sa kwarto pag ikaw ay aking pinalaya
Susuko nako 'pag hindi ko na kinaya
Bakit kakapitan ko ang taong matagal na akong binitawan
Alas tres na ng umaga lahat ng sakit bumabalik sa 'king isipan
Lalala lang ang mga bagay na hindi p'wede pag ito'y pinagpilitan
Sana pala hindi ko na binigay ang lahat ng dapat sa sarili ko
'Pagka't walang natira, iniwan mong nag-iisa
Kwento natin 'di ko alam ang pamagat
Siguro nga paggising sa umaga ayos na ang lahat

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar