Kishore Kumar Hits

Nasser - Tamang Panahon şarkı sözleri

Sanatçı: Nasser

albüm: Right Time


Akala ko nung una laro lang ang lahat
Nagaabang sa sulok, pinagmamasdan lang kita
Pati na ang barkada, usap-usapan ka
Lahat nahuhumaling, pansin ang iyong ganda
Pero bakit ngayon, hindi na ganun, may iba akong nadama
Sa iyong tingin, napangiti, nabighaning damdamin
Oh Ikaw na nga, ikaw na nga walang iba
Tanging hangad, hangad ay makasama ka
Ang buhay ko'y iaalay lamang sa'yo
Dahil ngayon ang tamang panahon
Mga araw ay lumipas, nakilala kang wagas
Ang puso mo'y busilak, tulad ng mga bulaklak
Ligaya at payapa, tagos sa iyong mata
Nasambit saking sarili, ikaw na nga talaga
Pero bakit ganun, nagulat ako sa ginawa mo sa akin
Nang sinabi mo, pangalan ko sa Diyos ay hiniling
Oh Ikaw na nga, ikaw na nga walang iba
Tanging hangad, hangad ay makasama ka
Ang buhay ko'y iaalay lamang sa'yo
Dahil ngayon ang tamang panahon
Napaniwala mo ang puso ko na may pag-ibig pang naghihintay
Sa taong naghahangad ng tamang oras sa pag-ibig na walang hanggan
Oh Ikaw na nga, ikaw na nga walang iba
Tanging hangad, hangad ay makasama ka
Ang buhay ko'y iaalay lamang sa'yo
Dahil ngayon...
Oh mahal kita, mahal kita walang iba
Aking sinta, sintang hiling sa maykapal
Ang buhay ko'y iaalay lamang sa'yo
Dahil ngayon ang tamang panahon
Ang tamang panahon
Ang tamang panahon
Ang tamang panahon

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar