Kishore Kumar Hits

Bahaghari - Hulog şarkı sözleri

Sanatçı: Bahaghari

albüm: Hulog


'Pag nasisilayan
Hindi namamalayan ang tulo ng laway ko
At kapag andito
Nagbabadya ang pusong kumaripas sa pagtibok
Minsan pa sa aki'y tumingin ka na
Minsan pa, pwede ba?
At dahil nahulog na ako sa 'yo (nahulog na)
Hindi na 'to maglalaho
Kahit pa mukhang malabong sa aki'y magkagusto
Hindi magbabago, pag-ibig ko sa 'yo'y seryoso

Tuwing ika'y kausap
Kumpas ng melodiya'y kusa mong dinadala
Sabik nang 'ka'y makilala
Nahuhumaling sa 'yo, ikaw ang tanging dalangin ko
Minsan pa, nais kong magisnan ka
Minsan pa, pwede ba?
At dahil nahulog na ako sa 'yo (nahulog na)
Hindi na 'to maglalaho
Kahit pa mukhang malabong sa aki'y magkagusto
Hindi magbabago, pag-ibig ko sa 'yo'y seryoso

Minsan nga, sa akin ay lumapit ka
At sambit mong salita
"Marahil, nahulog na ako sa 'yo
Hindi ko na matatago"
'Di ako makapaniwala, abot-langit ang saya
Ang aking ligaya ay matatamo ko na
Nang agad akong namulat
Panaginip lang pala ang lahat

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar