Kishore Kumar Hits

Bahaghari - Luna şarkı sözleri

Sanatçı: Bahaghari

albüm: Luna


Nag-iisa
Sa isip ko'y nawawala
Hindi mapaliwanag, puso kong nabihag
Sa dalang liwanag
Kay tagal
Natulalang nag-aantay
Ngiti sa aking buhay, mundo ay nagkakulay
Ligaya ang iyong bigay
Kaya't sa ilalim ng kalawakan
Tumitig sa kawalan
Nang aking simulan
Harana, harana kay Luna
Pwede bang andiyan na lang?
Manatili ka na lang?
'Di naman naiilang
Harana, harana kay Luna
Huwag ka nang mawawala
Sa 'king buhay, oh sinta
Tuwing gabi, kapiling ka

'Di mapakali
Sa bawat kong sandali
Napupuno ang isip
Kung araw ay sumilip
Paglisan ba'y sasapit?
Gayo'y binilang ko mga minutong nalalabi
Sa huling gabi
Aawitin kong muli
Harana, harana kay Luna
Pwede bang andiyan na lang?
Manatili ka na lang?
'Di naman naiilang?
Harana, harana kay Luna
Huwag ka nang mawawala
Sa 'king buhay, oh sinta
Tuwing gabi, kapiling ka

Tuwing umaga ay paparating
Tangi kong hinihiling
Ay manatili pa
Kislap ng iyong ngiti
At init na 'yong hatid
Maghihintay na lang ba ang pusong ito
Sa oras na ika'y babalik?
Harana, harana kay Luna
Pwede bang andiyan na lang?
Manatili ka na lang?
'Di naman naiilang?
Harana, harana kay Luna
Huwag ka nang mawawala
Sa 'king buhay, oh sinta
Tuwing gabi, kapiling ka
Nag-iisa
Sa isip ko'y nawawala
Pagsapit ng umaga
Bumuhos aking luha
'Pagkat ika'y wala na

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar