Tinangay na nga ng hangin Mga alala natin Bigla na lamang nawala Ngayon ako'y nangangapa Dati ay ako palagi Ngayon ay di ko na mawari Bigla na lang nagbago ka Pinag mukha akong tanga Sana'y di ka na nakilala Di na rin sana ko umasa Mahalin mo'y tila malabo Iba ang sigaw ng iyong puso Isang gabi di tumanggi Tumambay sa isang tabi Baka sakaling andun ka Umasang makikita ka Ngunit wala badtrip naman Lagi na lamang bang ganyan Lagi na lang suntok sa buwan Kahit na pag sigawan ko Itong damdamin ko sayo Wala namang magbabago Tama ngang tanggapin na lang Ako sayo ay hanging lang Laging ganun ang sistema Paulit ulit ang tema Sana'y di ka na nakilala Di na rin sana ko umasa Ang mahalin mo'y tila malabo Iba ang sigaw ng iyong puso Sana'y di ka na nakilala Di na rin sana nasaktan Di na rin sana naranasan pang Umasa at mabalewala Tinangay na nga ng hangin Mga alaala natin