Hindi mo lang alam Nandito lang ako Hindi mo lang alam Nandito lamang ako Nakatago sa pader ng paglilihim Ramdam kong ligtas ang aking pagtingin dito Kung saan payapa ang loob kong Nag-aabang lang sa muling pagpapakita mo Hindi mo lang alam Nandito lang ako Hindi mo lang alam Nandito lang naman ako Tinatago sa pader ng paglilihim Aking totoo at matagal nang pagtingin sa'yo Hindi na makatiis ang puso kong Nag-aabang lang sa muling pagpapakita mo Sana'y aking mapigilan ang sarili Na damdamin sa iyo'y biglang masabi Hindi pa kasi ako handa Sa magiging reaksyon ng iyong mukha Hindi mo lang alam Nandito lang ako Hinding-hindi ko ipaaalam Na nag-aantay lamang ako Nakatago sa pader ng paglilihim Dahil alam kong ligtas ang aking pagtingin Dito kung saan payapa lang akong Nakaabang lang sa muling pagpapakita mo