Kishore Kumar Hits

Mei Teves - You şarkı sözleri

Sanatçı: Mei Teves

albüm: /'hidn/ (EP)


Ninanakaw aking tulog kaiisip sa iyo
Ito ang dahilan bakit ayokong umibig sa isang tao
Nahihilo't tila lahat ay magulo
Sa ulo ko ay puno na ng mukha mo
'Di na alam, 'di ko na alam
Kung bakit kita inaasam
O ikaw, ikaw
Hanggang pagsikat ng araw
O ikaw, ikaw
Ayoko munang gumalaw
Minsan ka lamang kung makita
Ngunit sa aking isipan ay nakatira
Abutin aking mga kamay na nanginginig
Sumasabay sa ritmo ng puso kong pumipintig
Nanghihina't kaba ay hindi na mawala
Ngayon lang ulit 'di nakampanteng mag-isa
'Di na alam, 'di ko na alam
Kung bakit ba ikaw ang inaasam
O ikaw, ikaw
Hanggang pagsikat ng araw
O ikaw, ikaw
Ayoko munang gumalaw
Minsan ka lamang kung makita
Ngunit sa aking isipan ay nakatira
Hindi na mabura ngiting iyong ipininta
Sa mukha kong nanatiling blangko
Nung hindi pa nakita
Nung hindi ka pa nakita
Bago ang ikaw
Bago ang ikaw
Oo ikaw, ikaw, ikaw
Oo ikaw, ikaw
Hanggang pagsikat ng araw
O ikaw, ikaw
Ayoko munang gumalaw
Minsan ka lamang kung makita
Ngunit sa aking isipan ay nakatira

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar