Kishore Kumar Hits

Klarisse - Eto Na Naman Tayo şarkı sözleri

Sanatçı: Klarisse

albüm: Klarisse


Ayaw ko ang parating na umaga
Dahil alam ko na ika'y aalis na
Kahit anong lambing at pigil mong pagyakap ko
Tuluyan mo pa ring tatalikuran ako, hmm-mmm
Kahit alam mo na kailangan kita
Hindi ka maawat sa paglisan mo, sinta
Paano ba ito? Ako'y gulong-gulo na
Dalangin ko na maibsan ang sakit na nararamdaman, sinta
'Eto ka na naman sa pagpapaalam mo ('eto na naman)
Heto na naman ako sa pagluha ng mata ko ('eto na naman)
'Eto ka na naman sa halik at yakap mo
Heto na naman ako sa nararamdaman ko sa 'yo
Ayaw ko na ng mga tawa mo
Mas lalo akong nalulungkot kakaisip sa 'yo
Kapag napagtatanto ko na wala ka dito
Mas bumibigat ang pakiramdam ko, oh-oh
Alam ko mahirap ang sitwasyong ito
Pero hanggang saan at kailan ako magiging sa 'yo?
Paano ba ito? Ako'y gulong-gulo
Dalangin ko sana matapos na ang lahat nang ito
La-ra-ra-ra-ra, la-ra-ra-ra-ra-ra
La-ra-la-ra-ra, ra-ra-ra-la-la-la
La-ra-ra-la-ra-ra, ra-ra-ra-ra-ra-ra
'Eto ka na naman sa pagpapaalam mo ('eto na naman)
'Eto na naman ako sa pagluha ng mata ko ('eto na naman)
'Eto ka na naman sa halik at yakap mo
Heto na naman ako sa nararamdaman ko sa 'yo
Pangarap ko, sana dumating ang araw na
Ako lang, ako na lang sana
Heto ka na naman sa pagpapaalam mo ('eto na naman)
Heto na naman ako sa pagluha ng mata ko ('eto na naman)
'Eto ka na naman sa halik at yakap mo
'Eto na naman ako sa nararamdaman ko sa 'yo
'Eto na naman tayo

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar