Naitanong mo na ba Sa iyong sarili? Kung sino ka na ngayon Nasumpungan mo na bang Alamin kung bakit Nandito ka, pumipintig ang puso Napupuna mo na ba? Na nakapagtatakang Minsa'y napakahirap Naranasan mo na bang Magtanong, maghanap? Kung bakit, anong dahilan ng lahat ng ito? Ano, bakit, paano? Kailan, saan at gaano? Kung 'di mabatid ng isip mo Panahon na magsasabi sa 'yo Kung ano, bakit, paano? Nais mo bang mabatid? Manalangin at maunawaan Ang gumugulong balakid Makikita mo, darating ang mga kasagutan Ano, bakit, paano? Kailan, saan at gaano? Kung 'di mabatid ng isip mo Panahon na magsasabi sa 'yo Kung ano, bakit Asahang may liwanag sa dilim Bawat pintig ng puso ay damhin Ano, bakit, paano? Kailan, saan at gaano? Kung 'di mabatid ng isip mo Panahon na magsasabi sa 'yo Kung ano, bakit, paano