Naitanong mo na ba Sa iyong sarili? Kung sino ka na ngayon Nasumpungan mo na bang Alamin kung bakit Nandito ka, pumipintig ang puso Napupuna mo na ba? Na nakapagtatakang Minsay sadyang napakahirap Naranasan mo na bang Magtanong, maghanap Kung bakit anong dahilan Ng lahat ng ito Ano, bakit, paano Kailan, saan at gaano Kung di mabatid ng isip mo Panahon na magsasabi sayo Kung ano, bakit, paano Nais mo bang mabatid? Manalangin at maunawaan Ang gumugulo palagi Makikita mo darating ang mga kasagutan Sa ano, bakit, paano Kailan, saan at gaano Kung di mabatid ng isip mo Panahon na magsasabi sayo Kung ano, bakit Asahang may liwanag sa dilim Bawat pintig ng puso ay damhin Ano, bakit, paano Kailan, saan at gaano Kung di mabatid ng isip mo Panahon na magsasabi sayo Kung ano, bakit, paano Ano, bakit, paano