Pinagtagpo ngunit di tinadhana Kapalaran daw nating dalawa Sa loob ng kaunting panahon Pambihirang tamis ang tugon Ng iyong puso sa akin Para bang sinasabing Ika'y gustong angkinin Pakinggan mo, O Giliw Himig di magmamaliw Kahit kailangang bumitiw Mahal kita Tumutol man ang tadhana Sa'yo lang ako lumigaya Ngayon lang ako umibig ng gan'to O, aking susulitin Saglit mang tawagin Kahit hanggana'y dumating Pinagtagpo ngunit di tinadhana Kapalaran nga ba'y madaya Sa kabila ng pag-ibig na totoo Panahon na nga ba ang sumuko Ano mang higpit ng yakap Lumipad man sa ulap Paglayo mo'y di na mapigilan Ngunit bago lumisan Pakiusap ni minsan Ako'y di mo malimutan Mahal kita Tumutol man ang tadhana Sa'yo lang ako lumigaya Ngayon lang ako umibig ng gan'to O, aking susulitin Saglit mang tawagin Kahit hanggana'y dumating Mahal kita... Mahal kita... Mahal kita Tumutol man ang tadhana Salamat dahil lumigaya Ngayon lang ako inibig ng gan'to At di ka nagsising Ako ay ibigin Kahit hanggana'y dumating Mahal kita... Mahal kita'y pinangako Ang awit ng puso Bakit kailangang lumayo At kung di mapigilan Sana sa paglisan Ako ay di mo malimutan Pinagtagpo ngunit di tinadhana Kapalaran ba nating dalawa