Minamahal kong Lakambini Nawa'y ikaw ay Nasa mabuting Kalagayan Pasensya na kung Di ka masyadong Nasusulatan Alam mo na Kung Gano ka hirap Buhay na aking Tinatahak Pero kung minsan Di ma iwasang Mapag isipan Na Talikuran Aking tungkulin Sawang sawa na Sa pagiging Sunodsunoran Sa bawat balang Bibitawan Dagdag listahan Kay Kamatayan Tayo rin lang Ang talo sa huli Kapatid laban sa kapatid Ang mamatay ng dahil sa ano? Sa bayan ba? O sa pilak at ginto Minamahal kong Binibini Ikaw lang lagi Ang nasa isip Sa kalagitnaan Ng digmaan Parang ayoko Nang lumaban Sa pag balasa Ng mga baraha Dimo ma tukoy Kung sino tama Magkaiba ang paninindigan Pareho lang ang pinaglalaban Sa pag hawak Ko nang gatilyo Sunod sa utos Kung san itotok Sa bawat bala Na Bibitawan Dagdag listahan Kay kamatayan Kay rami nang kaluluwang Nadawit Sa digmaang Walang ka totoran Ah