Kishore Kumar Hits

KZ Tandingan - Huli Na, Huli Na - From "Flower of Evil" şarkı sözleri

Sanatçı: KZ Tandingan

albüm: Huli Na, Huli Na (From "Flower of Evil")


Hm
Sa bawat tinatagong lihim
May bumabalot na dilim
Sa bawat lupang pinanglilibing, hm
Merong hukay na lumalalim, oh
'Di mo mapipigil ang kahapon sa pagsilip
Ang buhay na inutang, ang sukli ay mapait
Lahat ng tinatago sa ilalim ng buwan
Pagkabukas araw ay sinisikatan
Oh, ang katotohanan ba ay ibubunyag mo
O ang katotohanan ang s'yang magbubunyag sa 'yo?
Pag-amin na lang ang natitira
Mali ay 'di maitatatama (tama)
Wala ka nang magagawa
Lahat ay huli na, huli na
Huli na
(Huli, huli, huli)
Huli na, huli na
(Huli, huli, huli)
Huli na
Ano ang hinihintay?
'Yan, 'di kana mapalagay (ooh)
Nakaraan na pinagtatakpan
Nakahanap na ng paraan
Para malaman lahat ng tinatago
Ang 'yong kasakiman at baho
Ang pagkatao mong nabubulok
Mga sekreto mo na lamang loob
'Tang na loob, unahan mo na
Sinasabi ko sabihin mo na
Dahil sinusuka ka na
'Di kinakaya ng iyong konsensya
Talaga bang hahayaan mo pa
Pinakamamahal mo ay mawala
Lalo na't kapag nalaman niya kung sino kang talaga?
Oh, ang katotohanan ba ay ibubunyag mo
O ang katotohanan ang s'yang magbubunyag sa 'yo?
Pag-amin na lang ang natitira
Mali ay 'di maitatama
Wala ka nang magagawa
Lahat ay huli na, huli na
Huli na
(Huli, huli, huli)
Huli na, huli na
(Huli, huli, huli)
Huli na, huli na (huli, huli, huli) ooh
Oh, 'di maikakaila
'Di mabanggit ng labi
Ngunit 'di natatago ng mata
Huli, huli, huli
Huli, huli, huli
Oh, ang katotohanan ba ay ibubunyag mo (ah)
O ang katotohanan ang s'yang magbubunyag sa 'yo?
Pag-amin na lang ang natitira (natitira)
Mali ay 'di na maitatama
Wala ka nang magagawa
Lahat ay huli na, huli na (ooh)
Huli na
(Huli, huli, huli)
Huli na, huli na
(Huli, huli, huli)
Huli na, huli na

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar