'Di ba 'ko kagusto-gusto? Parang lahat lumalayong husto Lagi na lang akong nadarapa Kay rami na'ng biglang nawawala Ngayo'y nag-iisa Ngunit umaasang may darating pa Kapag naubos na ang sinag ng araw Matututunan din nila 'kong mahalin Kapag ang dagat ay dagli nang bumabaw Matututunan din nila 'kong mahalin Kapit ng maigting, may darating din Matututunan din nila 'kong mahalin Nais ko rin maramdaman Pakiramdam nang mayroong nand'yaan Laging handang yumakap, humalik Sa pagdating ko ay sabik Ngayo'y nag-iisa Ngunit umaasang may darating pa Kapag buhangin ay hindi na inanod Matututunan din nila 'kong mahalin Kapag ang bukas at kahapo'y nag-abot Matututunan din nila 'kong mahalin Kapit ng maigting, may darating din Matututunan din nila 'kong mahalin Ngayo'y nag-iisa Ngunit umaasang may darating pa Kapag maaari nang tumapak sa ulap Matututunan din nila 'kong mahalin Kapag pu-puwede nang bundok ay matulak Matututunan din nila 'kong mahalin Kapit ng maigting, may darating din Matututunan din nila 'kong... Kahit lahat ng komplikado ay simple Matututunan pa kaya 'kong mahalin? Kahit mangyari'ng lahat ng imposible Matututunan pa kaya 'kong mahalin? Kapit mang maigting, mayro'n bang darating? Matututunan pa kaya 'kong mahalin?