Ikaw ay nahahanap sa bawat sulok ng mundo Pagkat ang mura lang ng bayad sa talino mo Alila ng dayuhan at yaya ng kanyang anak At kung minsan naman, ika'y pulutan sa alak Tinitiis mo ang lahat ng hirap at luha Upang pamilya ay makaraos at guminhawa Binabaliwala mo lamang ang sakit ng kalungkutan Nagpapasalamat pa na may pinagkakakitaan Ikaw ba'y alipin ng mundo? Naiiba sa lahi mo Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan Kaibigan, paano ka nagkaganito? Ikaw ay nasa pook maliban sa iyong bansa At ang tingin nila sa 'yo ay napakababa Pinagagawa sa 'yo ang mga ayaw nilang gawin At 'pag natapos na'ng kontrata, ika'y pauuwiin Mahirap palang mabuhay na walang karapatan Nakikisuyo lang sa bawat pangangailangan Laging nag-iingat dahil wala ka sa iyong bansa Walang mapuntahan kapag ikaw ay nasita Ikaw ba'y alipin ng mundo? Naiiba sa lahi mo Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan Kaibigan, paano ka nagkaganito? Ikaw ba'y alipin ng mundo? Naiiba sa lahi mo Ulila sa pinanggalingan, alipin sa pinuntahan Kaibigan, paano ka nagkaganito?