Mahal pa rin kita kahit ako'y mukhang tanga Ako'y maghihintay 'Pag may pinili kang iba ay 'wag na lang At siya'y mamamatay Ako na lang kaysa kung sino pa Kawawa lang, ililibing ko siya Mahal, huwag pakinggan Ang dila ng nanlilinlang, nananakot lang 'yan Nandirito ang puso ko Tumitibok lamang para sa 'yo Ako na lang, bakit sino ba siya? Kawawa lang, siya'y kalimutan na Pag-ibig, pag-ibig daw ang tawag Nananakot ka lang, nanloloko ka lang 'Yan ang siyang maliwanag Pag-ibig, ganyan ka ba manligaw? Sumuko ka na, walang-hiya talaga Ako, ako, ako ang tangi niyang mahal Dulot ng Maykapal Pinakamahusay, pag-ibig na tunay Ang gulo ng buhay Mahal, pasensiya na Kung naguguluhan ka sa aming pagkanta Mahal kang talaga Kahit kami ay dalawa, ika'y nag-iisa Pag-ibig, pag-ibig ang hangarin Walang halong biro, 'di ka mabibigo 'Yan ang aming damdamin Pag-ibig, ganyan kami manligaw Sayang ang panahon, ang pagkakataon Nandidito kami at nandiyan ka naman Pilik na, mahal ko (Pili na) Hirang