Lagi, 'pag tayo'y magkasama Nawawala lang ang pagod ko Wala nang kailangang pag-usapan Ako'y hawakan, kaligayaha'y totoo Kung mayro'n namang gustong sabihin Alam ko na, binubulong na lang Wala nang iba pang hahanapin Kung para lang sa akin, ikaw lang Huli mo, huli mo, huli mo ang puso ko, sinta Hawak mo, hawak mo, hawak mo'y pag-ibig na naiiba Kahit sino pa ang tanungin, walang ibang kasing lambing Huli mo, huli mo, huli mo ang puso ko ♪ Bakit 'pag tayo'y magkasama Hindi magkasya ang oras ko Wala nang lambing na hahanapin Kung 'di sa init lamang ng yakap mo Kung mayro'n namang gustong sabihin Alam ko na, binubulong na lang Wala nang iba pang hahanapin Kung para lang sa akin, ikaw lang Huli mo, huli mo, huli mo ang puso ko, sinta Hawak mo, hawak mo, hawak mo'y pag-ibig na naiiba Kahit sino pa ang tanungin, walang ibang kasing lambing Huli mo, huli mo, huli mo ang puso ko