Nakasimangot ka na lang palagi Parang ikaw lang ang nagmamay-ari Ng lahat ng sama ng loob ♪ Pagmumukha mo ay hindi maipinta Nakalimutan mo na bang tumawa? Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa ♪ Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay, kung minsan ay nagbibiro Nandirito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa 'yo Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo Oh, ikaw naman Kung sa pag-ibig may pinagawayan Kung salapi ay huwag nang pag-usapan Tayo'y 'di nagbibilangan Kung ang problema mo'y magkatambakan Ang mga utang, 'di na mabayaran Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay, kung minsan ay nagbibiro Nandidito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa 'yo Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo Oh, ikaw na Kung hahanapin ay kaligayahan Maging malalim o may kababawan Sa 'yo ay may nakalaan Kami'y asahan at huwag kalimutan Maging ito ay madalas o minsan 'Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo Ay isipin na lang na ang buhay, kung minsan ay nagbibiro Nandidito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa 'yo Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo Kasama mo, kasama mo ♪ Kasama mo