Minsan ika'y nag-iisa, walang makasama 'Di malaman saan tutungo Naghahanap, nag-iisip kung sa'n babaling Dito sa mundong mapaglaro At t'wing ika'y nalulumbay, 'di makakita Nais mo na may makasama Sa 'yong lungkot, akala mo ika'y nag-iisa Narito ako't kapiling ka Kung nais mong ika'y lumuha Ako'y makikinig sa bawat salita Kapag umuulan, bumubuhos ang langit Sa 'yong mga mata Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha Ngunit 'di ka nag-iisa, ah-ah Kaibigan (kaibigan) Kaibigan (kaibigan) Kay rami nang mga tanong sa iyong isipan Nais mo lamang ay malaman Bakit nagkagano'n ang nangyari sa 'yong buhay? Tanong mo man sa 'kin, 'di ko alam Handa akong maging tanggulan (handa akong maging tanggulan) Sa t'wing sasapit sa 'yo ang tag-ulan (sa 'yo ang tag-ulan) Kapag umuulan, bumubuhos ang langit Sa 'yong mga mata Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha Ngunit 'di ka nag-iisa, ah-ah Ako'y naririto, naghihintay lamang sa 'yo Tumawag ka't ako ay tatakbo sa piling mo, kaibigan Kaibigan Kaibigan Kapag umuulan, bumubuhos ang langit Sa 'yong mga mata Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha Ngunit 'di ka nag-iisa Kapag umuulan, bumubuhos ang langit Sa 'yong mga mata Kapag mayro'ng unos ay aagos ang luha Ngunit 'di ka nag-iisa Kapag umuulan Kapag mayro'ng unos Kapag umuulan Kapag mayro'ng unos Kaibigan (kaibigan) Kaibigan